Kinilala ng FIBA ang kinokonsiderang “greatest Filipino basketball player of all time” na si Carlos “Caloy” Loyzaga.
Kasama si Loyzaga sa 11 players at coaches na nasa FIBA Hall of Fame Class of 2023.
Kasabay ni Loyzaga sina NBA legend Yao Ming at Wlamir Marques ng Brazil.
Idaraos ang induction ceremony sa Pilipinas sa Agosto 23 bago ang tip-off ng FIBA Basketball World Cup.
Si Loyzaga ay two-time Olympian (1952, 1956) at naging miyembro ng Philippine national team.
Tinulungan niya ang Pilipinas na maging isa sa pinakamahusay sa mundo noong panahong iyon, na nanalo ng apat na magkakasunod na gintong medalya sa Asian Games (1951, 1954, 1958, 1962), at dalawang magkasunod na FIBA Asia Championships (1960, 1963).
Pinakatumatak sa kanyang pangalan nang pangunahan niya sa bronze finish ang Pilipinas sa 1954 FIBA World Championship.
Ito ang pinakamahusay na pagtatapos ng isang bansa sa Asya at ang Pilipinas ay nanatiling nag-iisang Asian medalist sa torneo.
(IS)