WebClick Tracer

Erpat ni Liza Soberano sa tsikang hiwalay na LizQuen: ‘Daming uto-uto’

liza soberano

Nag-react ang ama ni Liza Soberano sa balitang hiwalay na ang anak niya at ang aktor na si Enrique Gil.

Matatandaang pinag-usapan ang hiwalayan ng LizQuen matapos itong kumpirmahin ng source ni Ogie Diaz.

“Ang nakarating sa atin ay hiwalay na sina Enrique Gil at Liza Soberano,” lahad ng dating talent manager ni Liza, na isa na ring vlogger.

Ayon pa raw sa source ni Ogie, si Liza ang nakipaghiwalay kay Enrique dahil gusto nitong mag-focus sa kanyang showbiz career sa Amerika.

Samantala, sa Facebook post ng ama ni Liza na si John Soberano, sinabi niyang kaya raw dumadami ang mga vlogger dahil maraming uto-uto.

“Kaya dumadami taong mga nag vlavlog kasi dami mga oto oto… maski wala naman hard facts pinapatulan,” aniya.

Sa gitna naman ng tsikang hiwalay na, makikitang magkasama ang LizQuen sa litratong ibinahagi sa Instagram ng former road manager ng aktres na si Maquie Sarmiento. (IS)

See Related Stories:

Liza Soberano, Enrique Gil break na?

LIZA SOBERANO, ENRIQUE GIL HIWALAY NA! – OGIE DIAZ

TELETABLOID

Follow Abante News on