WebClick Tracer

Pumatay sa Cavite traffic enforcer sumuko na!

Sumuko na ang gunman at kasama niya sa pagpatay sa traffic enforcer sa Tanza, Cavite noong Linggo, Mayo 28.

Nitong Martes, Mayo 30 nagkusang sumuko kay Gov. Jonvic Remulla sa Cavite Provincial Capitol ang mga salarin na sina Joseph Llagas at Aries Carlos.

Ani Remulla, lumapit sina Llagas at Carlos kina Tanza Vice Mayor SM Matro at Daang Amaya II Barangay Captain Cindy Arguson para sa kanilang pagsuko.

Nakunan ng video at nag-viral ang paghuli ng traffic enforcer na si William Mentes Quiambao kina Llagas dahil nagmamaneho ng motorsiklo na walang suot na helmet.

Nanlaban ang lasing na suspek na si Llagas at pinaputukan ng baril si Quiambao.

Dinala pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

TELETABLOID

Follow Abante News on