WebClick Tracer

Pinalitan si Doc ng Nurse! 76ers may bago ng head coach

Nakapili na ang Philadelphia 76ers ng papalit kay coach Doc Rivers at ito ay si dating Toronto Raptors coach Nick Nurse.

“Nick Nurse has reached an agreement to become the next coach of the Philadelphia 76ers. Nurse — who won an NBA championship and a coach of year award with Toronto — now gets to coach the 2023 MVP Joel Embiid.” ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Si Nurse ang coach ng Raptors nang makuha ang 2019 NBA Championship, ang nasabing kampeonato ang kauna-kaunahan para sa koponan.

Samantala, ang pinalitan naman ni Nurse na si Rivers ay nagtagal ng tatlong season sa 76ers. May record ito na, 154-82.

Sinibak sa pwesto si Rivers matapos malaglag sa second round ng playoffs ang 76ers. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on