WebClick Tracer

Panukalang update sa century-old warehouse receipts law umusad

kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukala na i-update ang Warehouse Receipts Law of 1912 (Act 2137) upang mas makatulong ito sa mga magsasaka at iba pang manggagawang bukid.

Walang tumutol sa pag-apruba sa panukalang Revised Warehouse Receipts Law of the Philippines (House Bill 198). Nakakuha ito ng 287 boto.

“With the fast-changing times, many of our laws do not respond to the needs of the people in the present day. One of them is the Warehouse Receipts Law of 1912. Certainly, many of the conditions prevalent over 111 years ago do not exist today, and amending the law is of paramount importance,” sabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Layunin ng panukala na matulungan ang mga magsasaka na umutang gamit ang kanilang mga ani na inilalagay sa mga warehouse.

“The House of Representatives has spent sufficient time deliberating on this and I am confident we crafted an outstanding measure,” dagdag pa ni Romualdez.

Sa kasalukuyan, nagagamit ng mga magsasaka na kolateral ang kanilang mga ani na inilalagay sa mga warehouse. Sa ilalim ng panukala, papayagan na ang paggamit ng modernong teknolohiya sa pagbibigay ng warehouse receipt.

Ang Securities and Exchange Commission (SEC) ay inaatasan ng panukala na gumawa ng central electronic registry para sa lahat ng warehouse receipts na maaaring makita online.

Ang warehouse receipts ay maaari lamang ibigay ng awtorisadong warehouse operator. Laman ng warehouse receipt ang lokasyon ng warehouse, petsa kung kailan ito ibinigay at ang produkto na ipinasok sa warehouse. (Billy Begas)

 

 

See Related Stories Here:

Mga partido sa Kamara pinagtibay alyansa sa Lakas-CMD

Panukalang modernisasyon ng BI tinapos na ng Kamara

TELETABLOID

Follow Abante News on