Ito na nga ba ang huling laro ni Jaylen Brown sa Boston Celtics?
Marami ang nangbuska kay Brown matapos matalo ng Celtics kontra Heat sa Game 7, 103-84.
Ito’y dahil tila kinulang ang star player ng Boston para buhatin ang kanyang koponan sa Finals.
Sa naturang laro, may 19 points, eight rebounds at five assists si Brown, ngunit 8-of-23 lang siya sa field, sa siyam na tira sa tres ay isa lang ang pumasok.
Siya rin ang may pinakamaraming turnover sa buong laro na may walo.
Aminado naman si Brown na hindi naging maganda ang kanyang performance.
“We failed. I failed and it’s hard to think about anything else right now,” wika ng two-time NBA All-Star.
Dahil diyan, naging tampulan ng tukso si Brown ng mga netizen sa Twitter.
Jayson Tatum when he finds Jaylen Brown in the Celtics locker after they lose Game 7 at home
β Jobless Yb Fan (@ShisuiTheDonn__) May 30, 2023
They can go head and trade Jaylen Brown what a fraud
β Smith Agent33 (@LakeShowShawn) May 30, 2023
No way around it. Jaylen Brown was a huge failure tonight when the team needed him to step up
β π±π»π°ππ΄ πππΏπ΄ππ½πΎπ π° (@7THRINGFORPATS) May 30, 2023
Sa kabila nito ay nais pa rin ni Boston star Jayson Tatum na manatili sa koponan si Brown.
“It’s extremely important. He is one of the best players in this league, plays both ends of the floor and still relatively young,” sambit ni Tatum sa post-match conference. (RP)
See Related Stories Here: