WebClick Tracer

MVP dapat! Mga netizen todo-puri kay Caleb Martin

Kung mga netizen ang tatanungin, si Caleb Martin dapat ang tinanghal na Eastern Conference Finals (ECF) MVP at hindi si Jimmy Butler.

Sa Twitter, top trending ang pangalan ng role player ng Miami Heat dahil sa kanyang magandang performance sa Game 7 kontra Boston Celtics kung saan abante na sila sa Finals, 103-84.

Bumuhos ng 26 points at 10 rebounds si Martin sa do-or-die game, apat na tres ang pinakawalan.

Ayon sa NBA analyst na si Skip Bayless, si Martin ang dapat na naging MVP kaysa sa star ng koponan na si Butler.

“Happy for Jimmy Butler. But man, Caleb Martin was my MVP,” sey ni Bayless.

Ilang netizen din ang nagsabi na deserve ni Martin ang ECF MVP trophy, sa kabila ng 28 points, seven rebounds at six assists ni Butler.

Sa kabuuan ng serye, nag-average si Martin ng 19.3 points, 6.4 rebounds at 49 percent sa three-point shots.

Sunod na haharapin ng Miami Heat ang Denver Nuggets sa NBA Finals na magsisimula na sa June 2, Biyernes, alas-8:30 ng umaga (oras sa Pilipinas). (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on