Mas marami ang inaasahang dadalo sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 24.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, inaprubahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang paglalaan ng mga dagdag na kwarto sa Batasan Complex para sa mga bisita.
Noong nakaraang taon ay 1,300 ang dumalo sa unang SONA ni Marcos.
Nakipagpulong ang mga kinatawan ng Office of the Presidential Protocol at Senate of the Philippines sa mga opisyal ng Kamara de Representantes noong Lunes para pag-usapan ang mga kinakailangang preparasyon.
Sinabi ni Velasco ang ilang ideya na maaaring gawin at sinabi ni Chief of Presidential Protocol Adelio Angelito Cruz na ipararating niya ito sa Pangulo.
Gaya ng mga nagdaang SONA ito ay naka-live stream. (Billy Begas)