WebClick Tracer

Malacañang patuloy na nakabantay sa sitwasyon sa mga lugar na apektado ng bagyong ‘Betty’

Nakasubaybay ang Malacañang sa sitwasyon ng mga lugar na apektado ng bagyong ‘Betty’.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa National Disaster Coordinating Council (NDRRMC) upang malaman ang mga kaganapan sa bagyong ‘Betty’.

Batay sa datos ng NDRRMC, mahigit 2,800 na mga pamilya ang apektado ng bagyo mula sa Regions 2,3, 6 at Cordillera Autonomous region .

Karamihan sa mga pamilyang apektado ng masamang panahon ay nagkakanlong sa mga evacuation center habang ang iba ay sa kanilang mga kamag-anak.

Wala pang natatanggap na report ang Malacañang kung mayroong mga napinsalang kalsada o istruktura mula sa pananalasa ng bagyong ‘Betty’.

Nabatid din ng PCO na nasa mahigit P1.8 milyong pisong halaga ng food at non-food items ang naipamahagi ng mga ahensya ng gobyerno sa Cagayan Valley region, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera Administrative Region. (Aileen Taliping)


https://youtu.be/DxGj_qIJ1F0

 

 

 

See Related Stories Here:

Batanes, Cagayan nasa ilalim pa rin ng Signal No. 2 dahil sa bagyong ‘Betty’

Bagyong ‘Betty’ posibleng sa Biyernes pa lalabas sa ‘Pinas

TELETABLOID

Follow Abante News on