Ibinida sa Instagram ni LJ Reyes ang isang magandang balita matapos nitong ianunsyo na engaged na siya sa kaniyang non-showbiz boyfriend.
Makikita sa unang larawan ng post ang pagluhod ng kaniyang boyfriend na si Philip Evangelista.
Sa mga sumunod na larawan naman ay makikitang naiiyak na si LJ habang nakayakap ito kay Philip.
“For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.” Jeremiah 29:11 NLT” saad nito sa caption.
Sa kasalukuyan, si LJ ay nasa New York kasama ang dalawang anak na si Aki at Summer.
(CS)