Bubuksan na sa publiko simula sa unang araw ng Hunyo ang heritage tour sa dalawang museo ng Malacañang.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), makikita na ng publiko ang dalawa sa mga mansyon na naging bahagi ng buhay ng mga nagdaang Presidente.
Kabilang dito ang Bahay Ugnayan at ang Teus Mansion na nasa loob ng Malacañang complex.
Ang dalawang mansyon ay may kaniya-kaniyang kwento na bahagi na ng kasaysayan ng bansa.
“Our aim is to preserve the past and reshape the future by offering a comprehensive view of the Philippine presidency, tracing its roots, evolution and impact on the nation,” saad ng PCO.
Libre ang Malacañang Heritage Tours at walang bayad, bukas ito simula alas nuwebe ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Pangungunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ngayong Martes ang soft opening ng dalawang museo. (Aileen Taliping)
https://youtu.be/DxGj_qIJ1F0
See Related Stories Here: