Magtatapat ang Miami Heat at Denver Nuggets sa NBA Finals.
Matapos talunin ng Heat ang Boston Celtics sa Game 7 ng Eastern Conference Finals, matagumpay nilang nasungkit ang tiket patungo sa NBA Finals.
Ang Nuggets naman ay matagal nang naghihintay sa NBA Finals matapos talunin ang Los Angeles Lakers sa Western Conference Finals.
Sa laban ng Heat at Nuggets, masasaksihan ang tapatan sa ilalim ni Nikola Jokic at Bam Adebayo, pati na rin ang labanan sa shooting ni Duncan Robinson at Jamal Murray.
Kaabang-abang din kung maipagpapatuloy pa ni Jimmy Butler ang kaniyang pagbuhat sa Heat upang masungkit ang kampeonato.
Samantala, hawak naman ng Nuggets ang homecourt advantage. (CS)