Inamin ni Vice Ganda sa ‘Magandang Buhay’ na sobrang importante ng family time sa kaniyang buhay.
“Sobra ko yung naa-appreciate kasi doon ko yun nare-realize na yung value mo as a person. Sa gulo ng mga nangyayari sa paligid, meron at merong isang tao ikaw pa rin yung gusto niyang makita at saka makasama,”
Ayon pa kay Vice Ganda, lagi niyang tinatawagan ang kaniyang nanay.
“Every night tumatawag talaga siya, every night nag-uusap kami sa telepono. Bago siya matulog kailangan makita ko muna yung mukha niyang walang pustiso,”
“Kaligayahan ko yun eh tsaka yan yung mukhang gusto kong nakikita every night. ‘Pag tumawag ka, ang laking awas nun sa nararamdaman ko.” dagdag pa nito.
(CS)
See Related Stories Here:
Vice Ganda nakasama ang DonBelle sa Star Magic All-Star Games