WebClick Tracer

Presyo ng ticket sa concert ni Sam Smith inilabas na

Presyo ng ticket sa concert ni Sam Smith inilabas na

Inanunsyo na ng Live Nation ang presyo ng ticket sa concert ni Sam Smith. Ang presyo ng ticket ay mula P2,750 para sa general admission hanggang sa P16,250 para sa floors 1, 2 at 3.

Gaganapin ang concert sa Oktubre 21 sa Mall of Asia Arena.

Noong 2018 pa ang huling beses na nagpunta sa ‘Pinas ang British singer, ito ay para sa ‘The Thrill of It All’ tour.

Si Smith ang nagpasikat ng mga awitin na ‘Unholy’, ‘I’m Not The Only One’, ‘Too Good At Goodbyes’, ‘Stay With Me’ at ‘Dancing With A Stranger’.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on