WebClick Tracer

Jimmy Butler siniguro ang panalo vs Celtics

Jimmy Butler siniguro ang panalo vs Celtics

Matapos makuha ng Boston Celtics ang panalo sa Game 4 at 5 laban sa Miami Heat, naniniwala pa rin si Jimmy Butler na iuuwi nila ang panalo sa Eastern Conference Finals.

“They’re in a rhythm since the beginning of the game, but we’re always going to stay positive knowing that we can and we will win this series, and we’ll just have to close it out at home,”

Sa kakatapos lang na Game 5, ipinakita ng Celtics ang kanilang bangis matapos tambakan ang Heat.

Hindi nagkulang sa bala ng opensiba ang Celtics at apat na manlalaro ang nakapagtala ng lagpas sa 20 puntos.

Si Jayson Tatum na mayroong 21 puntos, Marcus Smart na may 23 puntos, Derrick White na may 24 puntos at Jaylen Brown na may 21 puntos.

Hawak pa rin naman ng Heat ang kalamangan sa serye, 3-2. Gaganapin naman na ang Game 6 sa kanilang teritoryo. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on