Isang bangkay na nakaposas ang natagpuan sa Barangay Wakas, Tayabas City nitong Huwebes ng umaga.
Ayon sa report ng Tayabas City police, ang bankay ng hindi pa nakikilalang lalaki ay nakita ng mga dumadaan sa lugar na nakabulagta sa gilid ng pathway dakong alas-10:40 ng umaga.
Nakaposas ang mga kamay nito at binalot ng duct tape at itim na tela ang ulo kung saan may tama ito ng bala ng baril.
Teorya ng pulisya, dinala doon sa lugar ang biktima lulan ng di natukoy na sasakyan at saka binaril at iniwan.
Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam kung sino ang biktima at mga salarin at ang motibo sa krimen. (Ylou Dagos)