Iniligtas ni Scarlett Kramer ang isang aso na pagala-gala sa kalsada at iniuwi ito sa kanila.
Sa ‘Family Matters’ nina Doug at Chesca Kramer, binahagi nila ang ginawang pag-rescue ni Scarlett, kasama si Gavin, sa isang stray dog.
Kwento ni Scarlett, nakita nila ang aso habang nagsasagawa sila ng outreach program.
Nakita nila ang tuta na hindi maganda ang kalagayan.
“She looks scared…. she’s very malnourished, her stomach was big,” wika ni Scarlett.
Kaya naman napagdesisyunan ng kanilang pamilya na i-rescue na ang aspin na pinangalanan nilang ‘Gracie’.
“I get awa every time I see dogs in the streets because they should be like, not like that. They don’t deserve to be on the street and look for food. They should be with a loving family,” sey pa ni Scarlett.
Kung may choice lang daw siya ay gusto niyang i-rescue ang lahat ng aspin at pusa na pagala-gala sa kalsada.
“We would encourage you guys, if you wanna save a pet, or a cat or a dog diba, I think it’s gonna do wonders for them,” wika naman ni Doug. (RP)