WebClick Tracer

P190M droga nasabat sa Laguna

droga

Nakulimbat ng pinagsanib na pwersa ng Calamba City Police Station at Laguna Provincial Intelligence Unit ang nasa P190M halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Ciudad Verde Purok 2, Barangay Makiling, Calamba City, Laguna nitong Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Laguna police naaresto sa raid ang dalawang high-value drug personality at nagresulta sa pagkumpiska ng tinatayang P190.4M halaga ng iligal na droga pasado alas-3 ng hapon.

Ang mga suspek ay kinilala sina Donna Mateo Gali na kilala bilang ‘Madam’, 37 taong gulang, naninirahan sa Barangay San Pablong Nayon, Sto Tomas City, Batangas, at si John Erwin Matol Cadiliña, 37 taong gulang, residente ng Barangay Lecheria, Calamba City, Laguna.

Parehong natatala bilang mga high value individual sa ilalim ng Calamba City Police Station drug watchlist.

Ang dalawa ay naaresto sa aktong pagbebenta ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpapanggap bilang poseur buyer.

Sa patuloy na.pagsisiyasat, nasasamsam pa sa van na sasakyan mga ito ang nasa 28 kilo ng hinihinalang shabu.

Ang mga naarestong suspek ay ipresenta sa Office of the City Prosecutor sa Calamba City para sa inquest proceeding.

Kinasuhan na rin ang mga ito ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang mga nakumpiskang droga at kaugnay na ebidensya ay isusumite sa Regional Forensic Unit 4A para sa pagsusuri at imbentaryo. (Ylou Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on