WebClick Tracer

Matapos mabasura kaso: Barbie binalandra katawan sa IG!

Tila unbothered si Barbie Imperial matapos na i-dismiss ng korte ang kasong isinampa sa kanya ng kanyang dating kaibigan na si Vivamax star Debbie Garcia.

Sa latest Instagram post ni Barbie ay makikitang nakasuot lang siya ng itim na bra at may caption na, “nobody owns you and that is your power.”

Angat na angat ang kagandahan ni Barbie, pero bukod diyan ay bida rin syempre ang kanyang fierce look na nagpapakitang very powerful nga ang aktres.

https://www.instagram.com/p/Csnve-1pBUA/


Kaya naman napuno ng mga fire at heart emoji ang comment section ng post ni Barbie.

Ilan nga sa napa-comment ay ang mga nagseseksihang ding sina Xyriel Manabat, Chie Filomeno at Alexa Miro.

“Bat ang hot ate?” tanong ni Xyriel.

“Aaaah alam ko na bakit yan yun pinili mong unahin,” hirit naman ni Chie.

“Eh?? Can I own you please?” hanash naman ni Alexa.

Sa ngayon ay wala pang statement si Barbie matapos mabasura ang kaso ni Debbie na grave oral defamation, slight physical injury at grave slander by deed, pero sa impormasyon na nakalap ni Ogie Diaz ay hindi na raw maghahain ng kontra demanda si Barbie. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on