WebClick Tracer

Marcos nakatutok sa super typhoon Mawar

marcos

Nakabantay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpasok ng super typhoon Mawar na inaasahang makakaapekto sa ilang lugar sa bansa.

Sa social media page ng Pangulo, sinabi nitong nakahanda na ang mga ahensiya ng gobyerno para agad umalalay sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng bagyo.

“Patuloy nating tinututukan ang super typhoon Mawar na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong Biyernes o Sabado,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na nagpulong sila ng ilang opisyal ng gabinete kasama si Department of National Defense Secretary Carlito Galvez at tiniyak sa kanya na naka-preposition na ang pondo at food packs na gagamitin para maalalayan ang mga maaapektuhang mamamayan.

Naka-standby na rin aniya ang response teams pati na ang mga local government unit sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Mawar. (Aileen Taliping)#

TELETABLOID

Follow Abante News on