Bakit kaya tinalakan pa ni Xander Ford si Christian Merck Grey (Makagwapo) kahit pa nag-withdraw na ito ng P350,000 para ibigay sa baby ng una?
Sa Facebook video ni Makagwapo, nag-withdraw na ito ng pera para ibigay sa kanya raw inaanak na si Baby Xeres.
Pero may kondisyon si Christian Merck para iabot niya kay Xander ang pera.
“Para sa anak mo ‘to. Gusto ko na i-deposit natin ‘to sa bangko ng anak mo, hindi sa’yo,” hirit ni Makagwapo.
“Bali ito na ‘yung pinangako ko sa inaanak ko daw! So inaanak eto na, ‘yung P350,000 ni Ninong,”lahad pa niya.
Gusto rin niya na si Xander Ford ang pumunta sa kanila para kunin ang pera.
Ngunit hindi ito nagustuhan ni Xander, sinabi na hindi raw dapat si Christan Merck ang magdesisyon kung anong mangyayari sa pera.
“Una sa lahat Christian Merck Grey, bakit ikaw ang nagdedesisyon para sa amin?” giit ni Xander.
“Ibigay mo sa akin ‘yung pera, ako maglalagay ng perang ‘yan sa bangko ng anak ko. Ako mago-open para sa anak, ako mago-open para sa pamilya ko.”
Paliwanag ni Xander, katumbas daw ang pera ng kanyang mga ginastos para sa binyag ng kanyang anak.
Hindi rin daw siya pupunta sa bahay nina Christian Merck sa takot na pagtripan lang daw siya nito.
“Bakit mo ko papapuntahin sa bahay niyo? Para ano? Para pagtripan mo ko? Baka mamaya ipabugbog mo ko diyan,” lahad ni Xander. (RP)