WebClick Tracer

Nagpanggap na Malacañang usec nakorner sa PCG

Nahaharap sa kasong usurpation of authority ang isang lalaking nagpapanggap na empleyado ng Office of the President.

Ayon sa ulat, nadakip ang 40-anyos na suspek sa ikinasang entrapment operation sa tanggapan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Maynila ngayong Miyerkoles, Mayo 24.

Kinausap umano ng suspek ang isang opisyal ng PCG para alukin ng mga military equipment.

Pero sa ginawang beripikasyon ng mga awtoridad sa Office of the Deputy Executive Secretary for Finance and Administration ng Malacañang, itinanggi nitong undersecretary ang suspek.

Ayon kay Maj. Gen. Edgar Alan Okubo, direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO), modus ng grupo ng suspek na magpanggap na undersecretary para mahikayat ang mga ahensiya na bumili ng mga sasakyan at iba pang produkto mula sa kompanyang kunyari’y kinakatawan nila.

Dagdag niya, kung hindi nasawata, posibleng nagkapirmahan ang suspek at PCG, at nakatangay ng milyon-milyong piso sa gobyerno ang grupo ng lalaki.

TELETABLOID

Follow Abante News on