WebClick Tracer

Aby Maraño ibinida ang magandang ugali ni Joshua Garcia

Ibinida sa Instagram ng volleyball player na si Aby Maraño ang naging karanasan matapos makita si Joshua Garcia.

Ayon kay Maraño, tinanong umano niya ang aktor kung maaaring magpa-picture sa kaniya at ang sagot naman nito ay “okay lang idol”.

“Asked him if okay lang magpapicture, he was quick to respond na “okay lang idol”.

“Nagmarites” din umano sila ni Joshua.

“And then asked me about something, nagmarites kami ng konti.”

Dagdag pa nito, para lang umano sila magkaibigan ni Joshua kung mag-usap.

“It was a very casual conversation as if we’re friends.”

Napasabi pa si Maraño na hindi nagkamali ang mga tao na suportahan ang aktor dahil napakabait nito.

“if ü are rooting for this guy nako hindi kayo nagkakamali — pakabait niya.”

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on