WebClick Tracer

Pagpasa ng motorcycle law opsyon para sa mga komyuter – Grab

Magkakaroon ng opsyon ang mga komyuter sa pampublikong transportasyon kung maipapasa ang motorcycle taxi law dahil makakahikayat ito sa pagpasok ng kumpanya ng motorcycle taxis sa bansa.

Ito ang pahayag ni Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng, sa kaniyang statement sa joint hearing ng Senate committees on Public Services at Local Government sa panukalang i-regulate at gawing legal ang motorcycles-for-hire sa bansa.

“Grab believes that a well-regulated and inclusive framework for motorcycle taxis in the Philippines can bring significant benefits,” sabi ni Heng sa kaniyang statement sa komite.

“The sooner a motorcycle law is passed, the better for consumers, who under the current setup can only choose between three motorcycle taxi companies,” sambit pa niya.

Sa ngayon, tatlong kumpanya ng motorcycle taxi na bahagi ng pilot program ang pinayagang magbiyahe sa Metro Manila sa ilalim ng provisional authority na inisyu ng Department of Transportation (DOTr).

Ito ay ang Angkas, Joyride at Move it. Ang Angkas, ang pinakamalaking kumpanya ng taxi company ay may 30,000 rider at bumubuo ng 50 porsyento ng market share.

Nauna nang hiniling ng Angkas na harangin ang pagpasok ng dalawang iba pang kumpanya noong Enero 2020 nang ipetisyon nila Quezon City court na mag-isyu ng 72-hour temporary restraining order laban sa pagpapatupad ng isang polisiya sa pagpayag sa pagsama sa Joyride at Move It sa extended pilot program ng DOTr para sa motorcycle taxis.

Sa kanilang petisyon, kinuwestyon ng Angkas ang cap sa bilang ng pinayagang biker gayundin ang pagsama sa Joyride at Move it sa pilot program para sa motorcycle taxis na inilagay technical working group ng DOTr. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on