WebClick Tracer

Jema Galanza, Ella De Jesus nilantad na relasyon

‘Instagram official’ na ang volleybelle couple na sina Jema Galanza at Ella de Jesus!

Natuwa ang mga fan ni Jema nang mag-post siya ng larawan kasama si Ella sa unang pagkakataon.

May caption pa ito na, “So much love for this person who makes my life better (heart emoji)”

Mukhang kuha ang larawan habang nakasakay sila sa hot air balloon.

Samantala, hindi naman napigilan ng mga kanilang mga Creamline teammate na asarin ang dalawa.

“Si ella gumawa ng caption na yan,” hirit ni Michele Gumabao.

“Okay po pero ako pa rin bffl (best friend for life) hehe,” biro naman ni Alyssa Valdez.

Si Ella ay nag-post na rin ng larawan nila ni Jema, na may caption naman na ‘Loml’ na internet slang para sa ‘love of my life’. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on