Pinagbabaril at hinagisan pa ng bomba ang opisina ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Northern Police District sa Caloocan City nitong Sabado.
Ayon kay NPD director PBGen. Rogelio Peñones, bandang ala-1:45 ng madaling-araw nangyari ang pag-atake sa police station.
May mga naka-duty na pulis sa naturang opisina noong mangyari ang insidente.
Maswerte namang walang nagtamo ng sugat, ngunit nagkaroon ng pinsala sa hagdanan ng opisina.
Tatlong person of interest ang iniimbestigahan ng pulisya hinggil sa pamamaril at paghahagis ng bomba sa opisina ng DEU.
Tingin ng pulisya, posibleng gumaganti ang mga suspek mula sa kanilang ikinasang operasyon laban sa iligal na droga. (RP)
Photo Courtesy: NPD-PIO