Heto ang inyong kapalaran ngayong araw, May 16, base sa inyong Chinese zodiac sign!
Rat
Iwasan na muna ang pag-travel sa ngayon lalo na kung hindi ito importante. May bagong pipirmahang kontrata sa chart mo. Money luck star ang padating sa iyo.
Lucky color and number: Green, 15
Ox
May money lost star na dadating sa iyo! Huwag mo siyang pahiramin ng pera ngayon dahil ito ang magiging cause ng away niyo. Posible na magkaroon pa ng chance na magkabalikan kayong muli.
Lucky color and number: Red, 8
Tiger
Panahon na upang mag-propose ka para sa taong matagal mo nang nakasama at alam mong siya na ang deserving para sa iyo.
Lucky color and number: Pink, 10
Rabbit
Siguraduhing nasa tamang panahon ka na para makapag-settle, bago pumasok sa isang mas seryosong relasyon. Parating ang trabahong matagal mo nang gusto
Lucky color and number: Yellow, 2
Dragon
Conflict day. Huwag kang magpapatalo sa iyong kalungkutan, mag-enjoy at kung minsan ay i-treat ang iyong sarili sa mga pagkain na gusto mo. Ingatan ang relasyon niyo. May third party star na activated.
Lucky color and number: White, 9
Snake
Pagdating sa money luck star, ang pagiging determinado mo ay magbubunga na. Sa relasyon, hayaan at mag-move on ka na dahil hindi na siya babalik. Matuto mula sa iyong pagkakamali.
Lucky color and number: Blue, 4
Horse
May money luck star sa work, mainam na ipakita pa ang best mo sa trabaho. Madaling sabihin, ngunit mahihirapan kang gawin. Bago magdesisyson pag-isipan muna ito nang maraming beses.
Lucky color and number: Pink, 1
Goat
Ikaw ang pinakamaswerte today! May bagong makikilala may letter l, k, v, a, at j sa kanyang pangalan. Siya ang taong magpapasaya sa iyo! Sa mga nakakausap mo at nakakasalamuha, may isang matandang babae ang tutulong at magbibigay ng payo.
Lucky color and number: Gold, 12
Monkey
Itigil na ang bisyo, habang ikaw ay lumalaki doon mo mararanasan ang sakit. Unhealthy star ay iwasan.
Lucky color and number: Silver, 16
Rooster
Maraming kailangan i-adjust sa iyong kabuhayan, kahit na busy dito para sa mas malaking kita, huwag pa rin kakalimutan ang time mo sa pamilya.
Lucky color and number: Brown, 11
Dog
Huwag mong tigilan hangga’t hindi mo pa nakukuha ang iyong pinapangarap, gawin itong mantra sa mga oras na nahihirapan ka. Sa lovelife, posibleng may hindi pagkakaunawaan.
Lucky color and number: Peach, 19
Pig
Pagdating sa lovelife ikaw ang pinaka maswerte! Siya ay makaka sundo mo sa lahat ng bagay. Focus sa goals, hindi mo kailangan iasa sa magulang ang lahat. Healthy luck star ay nasa chart mo.
Lucky color and number: Orange, 5