WebClick Tracer

Saleslady dyowa pala holdaper sa pinapasukang jewelry store!

Dinakip ang isang saleslady at live-in partner nito dahil sa bagong modus ng pagnanakaw sa isang jewelry store sa Sta. Cruz, Manila.

Kinilala ni Manila Police District Public Information Office (PIO) chief Major Philipp Ines ang mga suspek na sina Jeffrey Logronio, at ang ka-live in nitong si Cheril Vandidato, kapwa residente ng Naic, Cavite.

Pinasok ng holdaper ang jewelry store sa 1512 Golden Valley Building sa Maynila.

Sa video na nakuha ng Abante, makikita na tinutukan ng armas si Vandidato na saleslady ng naturang jewelry store. Inabutan ito ng eco bag at doon inilagay ang alahas na abot sa tatlong kilo na nagkakahalaga ng P3 kada kilo.

Nagtaga ang mga imbestigador dahil napansin nila na ang motorsiklo na ginamit ng holdaper ay kapareho rin na ginagamit na service ng saleslady.

Dahil dito’y nabuo ang hinala ng mga awtoridad na magkakuntsaba sina Vandidato at Logronio. (Juliet de Loza-Cudia)

TELETABLOID

Follow Abante News on