WebClick Tracer

Patay sa Degamo massacre nadagdagan

Nasawi ang isang biktima sa nangyaring massacre sa bahay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Atty. Levito Baligod, namatay si Fredilito Cafè matapos ang lampas dalawang buwan na pakikipaglaban sa intensive care unit (ICU).

Si Cafè ay ang biktima na nakatabi ni Degamo sa nangyaring massacre noong March 4.

Sa pagkamatay ni Cafè, tumaas na sa sampu ang bilang ng nasawi sa nangyaring pananambang kay Degamo.

Walo ang agarang nasawi sa pamamaril, habang 17 naman ang sugatan kasama na rito si Cafè.

Ilang katao na ang nadakip na may kaugnayan sa kaso, kasama na rito ang tinuturong ‘boss’ ng mga gunman na si Marvin Miranda, na recruiter umano ng mga dating sundalo na pumatay kay Degamo.

Isa rin sa itinuturong mastermind ay si suspendidong congressman na si Arnie Teves, na hindi pa bumabalik sa Pilipinas dahil sa pangamba raw sa kaniyang buhay.

TELETABLOID

Follow Abante News on