WebClick Tracer

MPL PH: Blacklist vs RSG sa Upper Bracket finals

Sa unang beses sa kasaysayan ng MPL Philippines, nalaglag ng lower seed team ang mga nasa tuktok ng standing matapos magwagi ang Blacklist International at RSG Slate PH nitong Biyernes sa SMX Convention Center.

Sa laban ng RSG kontra Echo Philippines, dikdikan ang naging laban kung saan umabot ang serye sa Game 5.

Nanguna para sa RSG ang kanilang rookie na si John “Irrad” Abarquez na sa huling game ay naglista ng 3 kills, 5 assists at walang death.

Sa unang laro, pinadapa naman ng Blacklist ang top seed na Bren sa loob ng apat na laro.

Maghaharap ang Blacklist at RSG Slate sa Sabado, May 6, alas-5 ng hapon

Habang maglalaglagan naman ang Bren at Echo sa lower bracket, ganap na ala-1 ng hapon. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on