WebClick Tracer

Cristy naalarma sa sobrang katabaan ni Angel Locsin: ‘Hindi na siya bumabata’

Naalarma ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa lagay ni Angel Locsin matapos itong maispatan kamakailan.

Sa “Cristy Ferminute”, sinabi ni Nay Cristy na may nakakita kay Angel na may kalakihan na raw ang katawan.

“Ang tagal na nating hinahanap si Angel Locsin. Ni isa sa atin walang makapagturo pero may nakakapagsabi naman sa atin kung saan medyo biglaang nakikita siya. Kaya pala siguro na hindi naglalalabas sa social media at nagpapakita si Angel Locsin, dahil sa kanyang timbang,” saad ng co-host niyang si Romel Chika.

Reaksyon naman ni Nay Cristy, “Meron daw nakakakita sa kanya, doon sa tapat ng restaurant na pag-aari nina Neil. Kasosyo si Neil doon eh. May nakakita sa kanya doon sa van, siyempre hindi siya bumababa, na nandoon daw si Angel na may kalakihan nga ang kanyang timbang. Sobrang laki.”

Pinayuhan naman niya ang mga Marites na hayaan na lamang muna ang aktres.

“Hayaan lang po natin. Baka naman may ginagawa siya ngayon na paraan para mapababa ang kanyang timbang na siyempre ay pinoproblema niya. Why not, ‘di ba? Abangan lang natin.

“Ang nakakaalarma dito, hindi na bumabata si Angel Locsin. Kaya kailangan bantayan niya talaga ang kung anumang sobra sa kanyang katawan ngayon. Hindi na siya bumabata, kailangan talaga bantay-sarado. At kapag naging produktibo ang kanyang ginagawa, ayan na, puwede na ulit siyang gumawa ng mga proyekto.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on