WebClick Tracer

SWS: Halos kalahati ng Pinoy gustong optional ang ROTC

Lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na halos kalahati ng mga Pilipino ang gustong maging optional lamang ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program imbes na mandatory.

Sa survey mula Marso 26 hanggang Marso 29 sa 1,200 adults nationwide, 42% ng Pinoy ang nagsabing optional dapat ang ROTC bilang course o community service.

35% naman ang nagsabing ang ROTC ay dapat compulsory course para sa senior high school (SHS) student habang 22% ang ayaw na may subject na ROTC.

Sa Balance Luzon may pinakamaraming pumabor sa optional ROTC sa 47%, sumunod ang NCR sa 46%, Mindanao sa 42% at Visayas sa 28%.

Pinakamarami namang may gustong maging mandatory ang ROTC sa Visayas sa 46%, kasunod ang Mindanao sa 34%, Balance Luzon (32%) at National Capital Region (29%). (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on