Nakuha ni Christian Dave Lozano Guevarra, estudyante mula sa Rizal Technological University, ang highest score sa April 2023 Registered Electrical Engineers Licensure Examination.
Nakapagtala si Guevarra ng 93.25% percentage rating, ito ay ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).
Samantala, 3,339 naman ang nakapasa mula sa 5,771 na sumubok ng nasabing exam.
Top performing schools naman sa nasabing exam ang Polytechnic University of the Philippines – Sto. Tomas, University of Batangas, Batangas State University – Alangilan at PUP – Main, Sta. Mesa.
(CS)