Heto ang inyong kapalaran ngayong araw, May 1, base sa inyong Chinese zodiac sign!
Rat
Hindi mo kailangan magmadali, hinay-hinay lang dahil darating din ang oras na ikaw ay magtatagumpay, mas lalong sipagan sa iyong magandang career.
Lucky color: Brown, lucky number: 1.
Ox
Ito ang iyong conflict day. May unhealthy love life star sa iyo kaya may chance na magkaroon kayo ng away o hindi pagkakaunawaan ng dyowa mo, huwag nang patagalin pa ‘yan at pag-usapan agad. Importante ang family day, bigyan ng oras ang pamilya dahil happy family star ang nasa iyo.
Lucky color: Blue, lucky number: 15
Tiger
Maganda ang plano niya para sa inyong dalawa kaya lang may pagdududa ka pa rin, magandang gawin ay suportahan siya at magtiwala. Sa kalusugan, ingatan ang lungs.
Lucky color: Aqua, lucky number: 7
Rabbit
Natural sa iyo ang pagiging matulungin, ngunit huwag magpaabuso sa taong nakapaligid sa iyo. Magsuot ng black onyx sa kaliwang kamay upang maiwasan ang scam star.
Lucky color: Pink, lucky number: 9
Dragon
Magiging malungkot ang araw mo ngayon dahil sa balitang hindi mo inaasahang maririnig sa iba. Maglakad-lakad sa mapunong lugar para maalis ang bad energy.
Lucky color: Gold, lucky number: 10
Snake
Sa money star, malaki ang chance na maubos ang ipon kung hindi marunong mag-budget. Huwag mong hanapin sa iba ang pagkukulang niya sa iyo. Pagdating sa kalusugan, iwasan ang stress, pagpupuyat o hindi sapat na tulog.
Lucky color: Peach, lucky number: 6
Horse
Iwasan ang inggit. ‘Yan ang dahilan kung bakit hindi ka nagiging grateful sa kung ano ang mayroon ka. Magpa astrology reading para malaman kung ano ang nagdudulot ng negative vibes at maiwasan ito upang magtuloy-tuloy ang pasok ng swerte.
Lucky color: Silver, lucky number: 3
Goat
Ikaw ang pinaka maswerte sa araw na ito! May good news luck star na activated sa iyo. Maging masaya ka na sa kung nasaan siya, mag-move on at i-enjoy ang buhay kasama ang family. Magpa-face and palm reading para mas malaman ang gabay sa kapalaran.
Lucky color: Gray, lucky number: 17
Monkey
Maging maingat sa binibitawang salita, hurtful words star ang magpapahamak sa iyo. Ang third party star ay activated rin pero hindi ibig sabihin ay lahat ng kanyang ikinikilos ay babantayan mo, kung gagawin ito lalo lang siyang lalayo.
Lucky color: Red, lucky number: 9
Rooster
Sa lovelife may misunderstanding sa inyong dalawa, pag-usapan ito nang personal at iwasan ang magkasakitan. Pagdating sa money aspect, itigil na ang bisyo mo para mas yumaman ka, nagiging dahilan ito para hindi ka makapag-ipon.
Lucky color: Purple, lucky number: 13
Dog
Matindi ang karisma mo, kaya naman siya ay mapapaibig mo! Ang maswerteng oras ay 6am nasa east direction. Ang hindi naman ay 10pm. Magsuot ng turquoise lucky charm para sa iyong safety travel star.
Lucky color: Yellow, lucky number: 11
Pig
Kalimutan na ang masamang nangyari sa iyo noon. Panahon na upang mag-move on. May bagong pag-asa ang naghihintay sa iyo.
Lucky color: White, lucky number: 16