WebClick Tracer

Marcos pinangunahan Labor Day celebration

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika-121 selebrasyon ng Labor Day nitong Linggo ng umaga sa pamamagitan ng mga aktibidad na inilunsad sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Bago bumiyahe sa Estados Unidos ay pinangunahan ng Pangulo ang pagbubukas ng “Kadiwa ng Pangulo para sa mga Manggagawa” outlet kung saan mahigit 150 na mga negosyante at mga seller ang lumahok sa aktibidad at nagbenta ng kanilang mga produkto sa mas murang halaga.

Tema ng Labor Day celebration ang pagtutok sa “Pabahay, Bilihing Abot Kaya, Benepisyo ng matatag na Trabaho Para sa Manggagawang Pilipino” sa pangunguna ng Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang ahensya ng gobyerno.

Kabilang sa kick-off ng mga aktibidad para sa Labor Day Celebration ay ang job fair, livelihood at business fair na sabay-sabay bubuksan ngayong Lunes sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pinangunahan din ng Pangulo ang pamamahagi ng tulong sa 1,400 na benepisyaryo sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Kabilang sa mga iniabot sa mga benepisyaryo ay tulong-pinansyal at raffle ng tatlong housing units sa pamamagitan ng PAG-IBIG fund. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on