WebClick Tracer

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong Chinese zodiac sign | April 26, 2023

Heto ang inyong kapalaran ngayong araw, April 26, base sa inyong Chinese zodiac sign!

Rat

Magising ng maaga at simulan na muling kumayod dahil may money luck star ka sa araw na ito! Sa love life, mapapansin ang magandang pag-uugali ng karelasyon mo ngayon. Iwasan ang hurtful words na bibitawan baka ito ay mauwi sa gulo o away.

Lucky color: Orange, lucky number: 2

Ox

Ikaw ang maasahan sa pamilya kaya pagbutihan at mas sipagan mo pa. May money luck star ka today! Hindi man naging mabenta ang mga produkto mo ngunit ngayon, may makikilala kang bagong kliyente.

Lucky color: Brown, lucky number: 17

Tiger

May magandang dahilan para mag-celebrate ang pamilya. Pagdating sa health, ang good health star ang activated. Ang maswerteng oras ay nasa 8pm ang hindi naman ay 5pm nasa North direksyon.

Lucky color: Gray, lucky number: 12

Rabbit

Pagdating sa money lost star at unhealthy star Panahon na para magdesisyon ng sarili mo, pag-isipan munang mabuti kung nasa tama ang magiging desisyon mo.

Lucky color: Silver, lucky number: 9

Dragon

Maaaring may maganap na hindi pagkakaintindihan sa araw na ito. Mag-ingat sa accident star! Maging alerto at magkaroon ng sapat na tulog bago magmaneho nang malayo.

Lucky color: Peach, lucky number: 6

Snake

Pabor ang lahat sa mga tatahakin mo. May taong para sa iyo, at itinadhana sa iyo, kaya huwag kang magmadali dahil hindi ka mauubusan pagdating sa pag-ibig. May success star ka sa chart mo, dahil sa sipag at determinasyon sa pag-aaral makakamit mo din ang iyong mga pangarap.

Lucky color: White, lucky number: 15

Horse

Ang lahat ng mga nais mong gawin o proyekto ay mainam na gawin at planuhin ng umaga. Happy family luck star ang nasa chart mo! Sa lovelife, mas intindihin ang kanyang pag-uugali. Para sa love luck star, magsuot ng rose quartz sa kaliwang kamay.

Lucky color: Green, lucky number: 7

Goat

Sa gitna ng pagsubok, may isang tao pa rin ang mananatili sa piling mo. May panibagong raket o income star ang nasa chart mo! Mas mainam na maging aware sa kalusugan, ugaliing magpakonsulta agad sa doctor.

Lucky color: Purple, lucky number: 19

Monkey

Hindi magiging puro saya ang araw mo ngayon, huwag ka pa rin mawalan ng pag-asa. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan ang ibang bagay. Iwasan ang ma-cholestetol na pagkain, ang unhealthy star ay activated.

Lucky color: White, lucky number: 10

Rooster

May mga unexpected expeses na dapat bayaran kaya mas mainam na may ipon ka! Hindi madali ang kumita ng pera kaya dapat ikaw ay marunong magtipid, kung may itatabi may kukuhain din ‘pag kinakailangan.

Lucky color: Silver, lucky number: 4

Dog

May darating na blessing ngayon araw mo. Kailangan ang disiplina sa sarili upang ganap na umayos ang pamumuhay mo. Maganda na ang relasyon niyo huwag mo nang sirain. Maging loyal at magkaroon ng trust sa isat isa. Dahil sa pagiging hardworking mo, may matatanggap kang hindi mo inaasahan at sobrang ikaliligaya mo.

Lucky color: Purple, lucky number: 2

Pig

Pagkakalooban ka ng masaya at masaganang pamilya. Kontrolin ang emosyon upang hindi maapektuhan ang iyong mahalalagang ginagawa. May mga balitang hindi mo ikakasaya.

Lucky color: Maroon, lucky number: 5

Tandaan, ito po ay gabay lamang dahil nasa inyong mga kamay, determinasyon, at sipag manggagaling ang tagumpay.

TELETABLOID

Follow Abante News on