WebClick Tracer

Mga ‘pinklawan’ senatorial candidate laglag sa Octa Research survey

Bigong makapasok sa Top 12 ng latest Octa Research senatorial survey ang mga kandidato mula sa oposisyon.

Sa bagong Octa Research survey na isinagawa noong Marso 24-26 at may 1,200 respondents, laglag sa Top 12 ang mga opposition senatorial candidate, kabilang si dating Vice President Leni Robredo at dating Senador Francis Pangilinan.

Sina Robredo at Pangilinan ay nagtambal sa nagdaang 2022 presidential elections subalit kapwa natalo sa tambalan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte Carpio.

Sa nasabing survey, si Robredo ay nasa pang-18 puwesto sa nakuhang 16 porsiyento habang si Pangilinan naman ay pang-14 na may 20 porsiyento na kapareho ng sikat na TV host na si Willie Revillame na nasa pang-11 posisyon.

Ang iba pang mga ‘pinklawan’ senatorial candidate na hindi pumasok sa Top 12 ay si dating Senate Minority Leader Franklin Drilon ay nasa ika-16 na puwesto na may 17 porsiyento.

Nasa pang-17 puwesto ang dating senador at dati ring Department of Information And Communications Technology Gregorio ‘Gringo’ Honasan na nakakuha rin ng 17 porsiyento.

Sina dating senador Richard Gordon at Antonio Trillanes IV na tumakbo rin sa pagka-senador sa ilalim ng tambalang Robredo-Pangilinan sa nagdaang halalan ay hindi nakapasok kahit na sa Top 20.

Si Gordon ay pang-21 sa nakuhang 15 porsiyento habang si Trillanes naman ay may 14 porsiyento lamang para sa ika-22 puwesto.

Samantala si dating senador Mar Roxas naman ay nasa ika-25 puwesto sa nakuhang 12 porsiyento habang si Paolo Benigno Bam’ Aquino ay pang-27 na may 11 porsiyento lamang.

Si dating senador Leila de Lima naman ay nasa ika-puwesto na nakakuha ng anim na porsiyento. (Dindo Matining)

Si dating senadora Leila de Lima naman ay nasa ika-puwesto sa nakuhang anim na porsiyento. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on