WebClick Tracer

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong Chinese zodiac sign | April 25, 2023

Horoscope

Heto ang inyong kapalaran ngayong araw, April 25, base sa inyong Chinese zodiac sign!

Rat


Kailangan mong maging malakas sa araw na ito, mag-work out sa umaga, maglakad-lakad iwasan ang unhealthy luck star! Sa love life, may magandang ideya ang kasintahan mo na sasabihin saiyo, huwag mo na iwan ang kasalukuyang ka relasyon mo ngayon.  

Ox


Ikaw ang pinaka maswerte today! Ang pagiging matulungin ay nasa puso mo. Mas maraming blessings star ay matatanggap mo pabalik. May darating na magandang balita sa araw na ito.

Tiger


Ang dapat na gawin ay magtipid. Hinay-hinay sa mga gastusin na hindi naman mahalaga. Mag-invest lamang para sa needs. Sa love life mo magkaroon ng love time kung paminsan minsan upang hindi magkaroon ng tampuhan.

Rabbit


Pakiramdam mo na hindi ka belong sa grupo nila. Huwag magkimkim, maging mabuti pa rin sa kanila. Iwasan ang hurtful words star. Sa money luck star ikaw ay maaaring maubusan ng pera ngayon kaya ay maging matipid na.

Dragon


Masasayang lamang at mauubos ang iyong pera kung hindi mo ito gagamitin sa tama. Sa lovelife, may misunderstanding na magaganap. Gamitin ang iyong aking galing at talino at makipag-bonding sa bahay kasama ang buong pamilya.

Snake


Naguguluhan ka sa mga nangyayari sa paligid mo ngayon, ngunit malalagpasan mo rin ito. Sa kalusugan doble ingat sa mga kinakain mo dahil ito ang magbibigay sa iyo ng unhealthy o sakit.  

Horse


Iwasan ang paggastos ng malaking pera ngayon, mahihirapam kang kitain ulit ito, pag-isipan nang mabuti. May malaking plano at ito ay matutupad na! Sa love life naman magpaubaya sa binabalak ng iyong kasintahan upang magtuloy-tuloy ang inyong masayang relasyon.

Goat


Conflict day. Mag-iingat sa scam star sa chart mo! Maaari kang maloko ng taong pinagkakatiwalaan mo. Sa pera ay hindi ganoon kaganda ngayon.  

Monkey


Sa love life huwag intindihin ang sasabihin ng iba. Happy family star mo ay activated ipagluto ng masarap at masustansyang  pagkain. Sa kalusugan, ingatan ang iyong kidney maging maingat sa mga kinakain mas piliin ang healthy.

Rooster


Paghandaan ang mga bagay na pangmatagalan, mag-invest lamang sa mapagkakatiwalaang tao. Sa kalusugan, maganda ang iyong health sa ngayon ingatan at pangalagaan mo pa ito.  

Dog


Magiging masaya ang araw mo today dahil sa kanya. Magplano ng panibagong negosyo mo hanggat may malaking perang nahahawakan. Mag ingat sa accident star magsuot ng proper safety.

Pig


Sa kalusugan, may healing star ka! ipagpatuloy na sundin ang mga doctor! Maganda ang balita ng isa sa mga kamag anak mo. Sa lovelife ayain ang kasuyo sa tahimik na lugar at magkaroon ng dinner date.

TELETABLOID

Follow Abante News on