WebClick Tracer

Rep. Paolo Duterte top performer sa Davao region

Paolo Duterte

Nanguna si Davao City Rep. Paolo Duterte sa listahan ng mga mambabatas mula sa Davao region na nagpakita ng magandang pagganap sa tungkulin.

Nakakuha si Duterte ng 81.3% sa survey ng RP-Mission Development Foundation Inc. kaya nagsama sila ni Davao de Oro Rep. Maria Carmen Zamora sa unang puwesto.

Si Duterte ay nasa kanyang ikalawang termino bilang kinatawan ng unang distrito ng Davao City. Siya ay nakapaghain na ng 141 panukala ngayong 19th Congress at dalawa dito ang naisabatas na.

Ayon sa tanggapan ni Duterte, prayoridad sa pagbibigay nila ng tulong mula sa iba’t ibang programa at proyekto ang mga senior citizen, taong may kapansanan, estudyante, mga natanggal sa trabaho, biktima ng kalamidad, at mga mahihirap na pamilya.

Batay sa survey, pumangalawa si Davao City Rep. Isidro Ungab na sinundan ni Davao Occidental Rep. Claude Bautista (73.5%).

Ang iba pang mambabatas mula sa Davao region ay nakakuha ng 65.3% hanggang 70.9%.

Ang survey ay ginawa mula Pebrero 25 hanggang Marso 8 at kinuha rito ang opinyon ng 10,000 respondents na pawang mga rehistradong botante. (Billy Begas)