Dinagdagan ni Chie Filomeno ang init na dala ng summer dahil sa kanyang bagong sexy Instagram post!
Sa IG post ni Chie, makikitang nakasuot siya ng exotic two-piece bikini kung saan bidang-bida ang kurba ng kanyang katawan.
“living my best pinterest life,” sey ni Chie sa caption.
Kaya naman hindi na kataka-taka na umabot agad sa lampas 100,000 likes ang mga sexy photos ni Chie.
Kahit nga ang mga kapwa female celebrity niya tulad nina Barbie Imperial, Celester Cortesi at Samantha Bernardo ay nag-init din sa pasilip ng aktres.
Maraming netizen naman ang bumilib sa sexy figure ni Chie, heto ang ilan sa kanilang comments:
“Luhhh kung ganyan ako kasexy lagi kong irarampa.”
“Beh mainit na masyado stop ka na pls grabe na ito hahaha”
“Baby sis you’re too hot!!” (RP)