WebClick Tracer

TOP 10 Sexy Pics: Chiyo Dela Vega, ang bebot na na-link kay John Estrada

Naging hot topic sa mga nagdaang araw si Chiyo dela Vega, ang sexy na babae na na-link kay John Estrada.

Ito’y matapos na magparinig sa social media ang misis ni John na si Priscilla Meirelles, na tila nagpapahiwatig na may kabit daw ang kanyang asawa.

Matitindi ang binatawang salita ni Priscilla, kung saan nagtanong siya sa kanyang mga Instagram follower kung anong pwedeng itawag sa isang babae na pumapatol sa isang lalaki na may asawa na.

May palaisipan din si Priscilla sa kanyang Instagram story, na kapag sinearch daw ang phrase na ’18kit’ ay may lalabas na ‘magic word’.

Ito pala ay isang website, kung saan makikita ang mga sexual photos at videos ni Chiyo dela Vega.

Nag-post naman si Chiyo ng screenshot ng naging usapan nila umano ni Priscilla, doon ay tila inamin niya na ‘nagkatikiman’ daw sila ni John.

Sa ngayon ay mukhang okay na sina John at Priscilla sa kabila ng scandal na nangyari kung saan nadawit si Chiyo dela Vega.

Last week lang ay nag-post si John ng sweet message para sa kanyang misis at may caption na, “The love of my life, my wife, my one and only Queen.”

Noong Holy Week pa nga ay magkasama ang mag-asawa kung saan bumisita sila kasama ang kanilang anak sa Oslob, Cebu.

Ngunit kung matatandaan, si Chiyo raw ay nakabase sa Cebu, hindi kaya sila nagkita-kita doon para tuldukan na ang issue?

Anyway, ito ang ilan sa sexy and hot photos ni Chiyo dela Vega na umaabot na sa 382,000 ang followers sa Instagram:

Chiyo dela Vega IG
Chiyo dela Vega IG
Chiyo dela Vega IG
Chiyo dela Vega IG
Chiyo dela Vega IG
Chiyo dela Vega IG
Chiyo dela Vega IG
Chiyo dela Vega IG
Chiyo dela Vega IG

IBA PANG NAGBABAGANG BALITA:

Cristy sa misis ni John Estrada: ‘Ikaw naman ang legal wife, tama na’

John Estrada ibinida si Priscilla: ‘My one and only Queen’

Priscilla Meirelles nagsalita na, nagpahiwatig na may gustong umagaw kay John Estrada

TELETABLOID

Follow Abante News on