WebClick Tracer

Jake Zyrus, nanay daw ang pinariringgan

Feeling umano ni Ogie Diaz ay ang Mommy Raquel niya ang pinariringgan ni Jake Zyrus.

Sa “Showbiz Update” napag-usapan nina Ogie at Mama Loi ang inilabas na reaksyon ni Jake sa mga pilit na bumubuhay at gustong ibalik ang dati niyang katauhan na si Charice Pempengco.

Nainis din si Jake sa pagkukumpara kay Charice sa iba pang singer dahil kawalan daw iyon ng respeto.

Pinagdiinan niyang wala na si Charice at hindi na maaaring ibalik pa, lalo na ang boses nito dahil nagti-take raw siya ng hormones.

Sa isang online gaming session niya bago sumapit ang Holy Week nitong April 2023, inilabas ni Jake ang kanyang inis at napamura pa.

“Anong gusto ninyong mangyari? Bubuhayin si Charice? Paano? Scientifically wala. It’s impossible because I’m already taking like hormones because that’s who I am,” litanya niya, batay sa ulat ng Pep.ph.

“So anong, like, the f*ck*ng stupid question… Questions na, ‘Oh, can you bring back your voice?’ That’s not possible!

“So, some of you just shut up and listen to your Charice’s songs in your own f*ck*ng time!” galit pang pahayag ni Jake.

Matatandaang nag-trending ang mudra ni Charice na si Raquel Pempengco matapos mag-react sa pag-awit ni Morissette ng Whitney Houston song sa naging concert sa bansa ni Foster kamakailan.

Saad ni Raquel, wala pa rin daw makakapalit sa boses ng kanyang anak, na nag-iisang “legendary ng Pilipinas”.

Sey ni Ogie: “Feeling ko lang ha, ‘yung mommy niya pinariringgan ni Jake Zyrus. Unang-una, wala namang magaganap na ganyan kung hindi nagtututungayaw ‘yung nanay niya eh… Akala ni Mommy Raquel porke pinuri-puri niya ‘yung anak niya, na walang makakatalo sa anak niya, eh magiging tulay na ‘yun para sobrang maging bati na sila.”

Dagdag niya: “Ibig sabihin hindi nagustuhan ni Jake Zyrus ‘yung naging pahayag ng nanay niya. Akala ni Mommy Raquel, na magpapasalamat pa si Jake.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on