WebClick Tracer

LGBTQ+ priority lane pinatanggal ng LTO

Ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) nitong Linggo ang pagtanggal sa priority lane para sa mga miyembro ng LGBTQ+ sa Cagayan Valley.

Ito’y matapos batikusin ang naturang priority lane dahil nagdudulot umano ito ng maling impresyon at poot para sa mga miyembro ng LGBTQ+.

Sinabi ni LTO chief Jay Art Tugade sa isang pahayag na ang priority lane ay isang isolated case at iniutos na niya ang pagtanggal nito para maiwasan ang kalituhan at hindi pagkakaunawaan.

“I understand that the region’s leadership merely conceptualized the activity in a desire to recognize the LGBTQ+ community. There was no intention to offend or unnecessarily put them in the spotlight,” lahad ni Tugade.

Ayon sa LTO Region 2 (Cagayan Valley Office), ang naturang priority lane ay parte ng “gender and development” project ng LTO para sa buwan ng Marso.