Fabulous, beautiful, stunning at gorgeous ang ilan sa naging komento ng netizens sa beach photo ni Rachel Alejandro.
Sa edad na 49 ay mukhang dalaga pa ang singer sa ibinahagi niyang photo sa Facebook.
Nakasuot siya ng two-piece bikini at all smiles habang naglalakad sa dalampasigan ng Balesin.
“I can sea clearly now,” sambit ni Rachel sa caption ng kanyang sexy photo, na kuha ni Jeffrey Hidalgo.
Si Rachel ay anak ng OPM icon na si Hajji Alejandro.
Pinasok niya ang mundo ng showbiz sa edad na 12, nang maging host ng popular TV show na “That’s Entertainment”.
Sumikat siya sa mga kantang “Mr. Kupido”, “Kay Tagal” at “K.S.P. (Kulang Sa Pansin)” mula sa first album niyang Just A Minute (1989), na naka-gold record. (IS)