WebClick Tracer

Jake Zyrus napikon, napamura sa mga namimilit ibalik si Charice

Nairita si Jake Zyrus sa mga nagpipilit na buhayin si Charice Pempengco at kinukumpara pa ito sa ibang singer.

Pinagdiinan niyang wala na si Charice at hindi na maaaring ibalik pa.

Bago naging transman ay sumikat si Jake bilang si Charice.

Sa ganda ng boses ni Charice at galing sa pagbirit, nakatanggap siya ng mga pagkilala mula sa mga international artist tulad ni David Foster.

Gayunpaman, na-badtrip si Jake sa mga tao umanong patuloy na humihiling sa kanya na buhayin o bumalik sa kanyang dating sarili o boses.

Sa isang online gaming session niya bago sumapit ang Holy Week nitong April 2023, inilabas ni Jake ang kanyang inis.

Aniya, imposible nang maibalik niya ang boses ni Charice dahil nagti-take siya ng hormones.

“Anong gusto ninyong mangyari? Bubuhayin si Charice? Paano? Scientifically wala. It’s impossible because I’m already taking like hormones because that’s who I am,” litanya niya, batay sa ulat ng Pep.ph.

“So anong, like, the f*ck*ng stupid question… Questions na, ‘Oh, can you bring back your voice?’ That’s not possible!

“So, some of you just shut up and listen to your Charice’s songs in your own f*ck*ng time!” galit pang pahayag ni Jake.

Kinabuwisit din niya ang mga nagkukumpara pa kay Charice sa ibang magagaling na singer. Para raw sa kanya ay kawalan iyon ng respeto.

“To actually compare the old me to some of the greatest singers out there. Hindi lang disrespectful sa akin ‘yon! Disrespectful din sa kanila ‘yon!

“You’re literally comparing these singers to the person that doesn’t even exist anymore! Do you guys even think about that?” patuloy pa niya.

Matatandaang nag-trending ang mudra ni Charice na si Raquel Pempengco matapos mag-react sa pag-awit ni Morissette ng Whitney Houston song sa naging concert sa bansa ni Foster kamakailan.

Saad ni Raquel, wala pa rin daw makakapalit sa boses ng kanyang anak, na nag-iisang “legendary ng Pilipinas”.

“Alam ko ang mga timbre ng boses na hinahanap mo DF (David Foster).. Sinabi ko naman sa inyo noon pa… nag iisa lang ang boses na yan. Kahit kanino mo pa ipakanta yang song mo.. Di mabibigyan ng hustisya.

“NO GOOSEBUMPS.. NO STANDING OVATION.. Nothing compares…. Nag iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on