Bago sumabak sa play-in tournament laban sa Minnesota Timberwolves, nagdagdag pa ng manlalaro ang Los Angeles Lakers at kinuha ang dating kakampi at kaibigan ni LeBron James na si Tristan Thompson.
Bukod kay Thompson, kinuha rin ng Lakers si Shaquille Harrison.
“L.A. will sign guard Shaq Harrison, a defensive-minded point guard, and Tristan Thompson, a veteran center with playoff experience on LeBron James’ teams in Cleveland. Both players provide insurance at their positions for the roster, with L.A. having players out with injuries late in the season. The Lakers will waive Davon Reed in order to create a roster spot to add a second player.” ayon kay Dave McMenamin ng ESPN.
Huling naglaro si Thompson sa Chicago Bulls kung saan may average ito na 5.7 puntos at 4.7 rebounds sa loob ng 23 na laro.
Noong 2016, naging malaking parte si Thompson upang masungkit ni James at ng Cleveland Cavaliers ang kampeonato laban sa Golden State Warriors. (CS)