WebClick Tracer

Suspek sa pagpatay sa ‘graduating student’, arestado na

Inaresto na ng kapulisan ang suspek na pumatay sa 22 taong gulang na “graduating student” sa isang dormitory sa Cavite.

Ayon sa pahayag ni PNP spokesperson Jean Fajardo, inaresto ito ng mga awtoridad alas 10 nang umaga at agad na dinala sa Dasmariñas Police Station.

Nagpapatuloy pa umano ang interogasyon sa suspek.

Ito ay matapos na pagsasaksakin nito ng 14 besed ang estudyante sa isang dormitory sa Cavite noong Martes, Marso 28.

Naniniwala ang mga awtoridad na ninakawan ang estudyante sa kanya mismong kwarto.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on