Viral na ang pagsasayaw sa TikTok ng former Regal Babies na sina Maricel Soriano at Dina Bonnevie.
May milyong views na ang pagsasayaw nila ng “Feels” nina Calvin Harris ft. Pharrell Williams, Katy Perry at Big Sean.
“Dahil #46 trending tayo sa youtube ngayon, Oh eto! After ting tang tang, sayaw ulit with Bonnevie,” ani Maricel sa caption.
Hinangaan ng netizens ang wala pa ring kupas na ganda ng dalawa.
Nami-miss at hinanap nila ang isa pang original Regal Baby na si Snooky Serna.
“Ang gaganda pa rin ng mga idols ko! Kulang nlang c Snooky, complete na ang Underage babies ng 80s!”
“Magaling magalaga ng katawan si ms. D.”
“The Amazing! The Talented! Undeniably famous Regal Babies! Timeless! Im ang big fan. Still singing bakit ba ganyan.”
“Sana next time 2 na kayo kasama Snooky.” (IS)
@officialmaricelsoriano Dahil #46 ♬ Feels (Sped up) (feat. Pharrell Williams, Katy Perry & Big Sean) – Calvin Harris