Mayroon ng plano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong semana santa.
Sa panayam sa kaniya ng media, sinabi ng Pangulo na magninilay-nilay siya sa panahon ng pangilin gaya ng ginagawa taon-taon.
“Ako simple lang, I’ll do what I do every year. I go into retreat for a few days,” saad ng Pangulo.
Makakasama naman aniya ng Presidente ang kaniyang pamilya sa araw ng pagkabuhay o Easter Sunday.
Kasabay nito tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. na nakahanda na ang gobyerno para sa inaasahang paglalakbay ng mamamayan ngayong Holy Week, partikular ang mga uuwi sa mga probinsya o bibiyahe sa labas ng bansa.
Dinagdagan lamang aniya ang preparasyon dahil biglang uminit ang panahon at kailangang matiyak na komportable ang mamamayan sa mga lugar na kanilang pupuntahan.
“We have been preparing already for a while but nadagdagan lang yung ating preparasyon dahil biglang uminit. We have to make sure everybody is comfortable,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)