Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na aangat ang ekonomiya at aktibidad ng kalakalan sa sandaling matapos ang Bataan-Cavite interlink bridge.
Sa panayam ng media sa Pangulo, sinabi nitong magbubukas ang maraming oportunidad sa dalawang lalawigan at kalapit na mga lugar dahil magiging madali na ang biyahe kapag natapos ang proyekto.
Magkakaroon aniya ng mga pantalan sa dalawang probinsiya na maging potensiyal ng international shipping gateways.
“So there are many opportunities. There are actually seven contracts that are going to be implemented, sabay- sabay yan,” anang Pangulo.
Lilikha aniya ng trabaho ng hanggang 23,000 ang paggawa sa interlink bridge na tatagal ng limang taon kaya magkakaroon ng hanapbuhay ang mga tao.
Ang Bataan-Cavite interlink bridge ay nagkakahalaga ng P175.6 billion at may habang 32.15 kilometer na four-lane inter-island bridge at inaasahang matatapos sa ikatlong quarter ng 2028. (Aileen Taliping)